• Black Twitter Icon
  • Black LinkedIn Icon
  • Pinterest - Black Circle
ABOUT
Me

XOPAU MENDOZA

 

Pakana niya 'to lahat. Isang balikbayan na galing Saudi.

Nag ipon. Tapos nung makabili ng sariling bahay sa Makati 'e umuwi na ng Pinas. Nagresign ang engot. Tapos saka nagliwaliw.

Naglibot sa buong Pilipinas sa loob ng tatlong buwan.

 

Ninais niyang ibalik ang sarili sa uniberso.

Naniniwala siya na Pilipinas pa din ang pinaka maganda sa buong universe.

Kasalukuyang nagliliwaliw pa din kung saan saan.

Madalas siyang kaladkarin ng mga kaibigan at bagong kakilala.

Madali sana siyang mabubudul budol pero mabuti at hindi pa naman nasompolan.

Sa wakas may trabaho na siya ulit. Hindi na siya magiging taong grasa pang muli.

Ginagalingan lang palagi sa life.

 

Nagpapatuloy lang palagi.

© Balikbayang Liwaliw 2018. All Rights Reserved.

Sino si Balikbayang Liwaliw?

 

1. Ayoko sa gagamba. One time, may nakita akong gagamba sa pader ng bahay namin, after 2 seconds nawala siya. ayyy mas lalo ako nagpanic. Di talaga ako natulog. Wag tayong matulog! Buti hindi ko sinunog yung bahay namin.

2. Sobrang paborito ko ang tocino. Pakiramdam ko kaya ko siyang ulamin for the rest of my life. At saka siomai at sinigang na baboy ni mommy.

3. Pacool ako nung bata. Tuwing nakikipaglalaro ako sa mga kapitbahay ko, kailangan naka medyas pako habang naka tsinelas.Pakiramdam ko mayaman kami nun.

4.Sobrang dami kong hidden talents. Yung iba magaling kumanta, sumayaw, magdrawing etc. Ako wala, nilalakasan ko nalang boses ko sa videoke pero nakaka 100 ako minsan. Hanggang ngayong 2018 na, di ko pa din alam pakinabang ko sa lipunan at sa sarili.

5. Di ako mahilig magregalo. Pero one time niregaluhan ko ng cottonbuds at fuse ng ilaw yung bespren ko kasi yun lang yung meron sa bahay. Tapos nung xmas party sa church namin, nagreaglo ako ng pancit canton pero ginandahan ko naman yung balot. Nilagyan ko pa ng ribbon.

6. Hindi ako mahilig manlibre. Una dukha lang ako, pangalawa naniniwala ako sa kakayahan ng bawat isa magproduce. Kaya don’t me. Pero open ako sa pagpapalibre.

7. Nung college, pala recite ako kahit minsan mali yung sagot ko. Gusto ko lang iestablish yung perception na kunwari alam ko lahat, kahit hindi. Pabibo kid ganyan.

8. Pinagbibintangan ako ng kapatid kong nginugngod ko daw siya nung bata kami kaya siya nagkaron ng peklat sa bibig (katulad nung kay Jake Cuenca) e ang natatandaan ko lang naman tinulak ko siya sa kanal at hinampas ng walis tambo. Wala ako maalalang nginudngod ko siya.

9. Mahilig ako mang surprise sa mga mahal, Minsan kahit walang okasyon, gusto ko lang pasalamatan ka at iaappreciate ang existence mo sa buhay ko. Old school ako. Hanggang ngayon mahilig ako sa mga letters at anek anek.

10. Tamad ako. Kahit wala akong ginagawa, busy ako nun. Pag ayokong lumabas, nagpapakabulok lang talaga ako sa bahay.

11. Ayokong nagpapaalam tuwing umaalis. Kaya madalas tuwing aalis ako ng Pilipinas, di ko sinasabi ang date. Ayoko kasi ng pakiramdam na merong deadline ang pagsasama.

12. Kabisado ko pa din yung Oh Captain, My Captain. Sobrang terror nung english teacher ko nung hayskul na pinalabas nya ko ng room kasi ang daldal ko daw. Pero sinali nya ko sa declamation at nanalo ako.

13. Malaking parte ng buhay ang kantang stupid love. Lagi ko siyang kinakanta sa videoke kahit marami ng kapitbahay ang nagalit kasi parang naghahanap lang ako ng gulo.

14. Nag uulam ako ng Mang Juan at Oishi nung college sa Teatro. Sobrang wala nakong pera pang kain. Pero masarap siya. Mas naging matalino ako at matalas ang pagiisip. 

15. Nagtransfer ako ng Letran to Lasalle kasi gusto ko sana magbagong buhay. Kaso parang mas lalo akong lumalala. Pero atleast, nagkaroon ng mas maraming kaibigan at nakapag US ako dahil sa lasalle.

16. Mahilig akong mangagat. One time may katapat akong babae sa MRT at ang puti ng batok niya, pumikit talaga ako at nagdasal na sana wala akong gawing masama sa kanya.

17. Mahilig din ako makipagusap sa strangers. Madali akong mabubudul budol in real life which is di pa naman nangyayari,. Madalas, ngayon lang kita nakilala pero after 5mins magkukwentuhan na tayo about life at magkakapalitan na tayo ng contact number.  Kaya siguro andami kong kaibigan kung san sang lupalop kasi FC talaga ako.

18. Self theraphy ko ang paghuhugas ng plato. Pakiramdam ko isa yun sa mga misyon ko sa buhay. Ayokong ayoko nagwawalis ng bahay pakiramdam ko wala kang kwenta pag nagwawalis ka lang.

19. Mahilig ako sa extreme rides. Lahat na ata ng matitinding roller coasters sa Pinas at ibang bansa nasakyan ko na. Ganun ako kayabang. May reputasyon akong pinaglalaban sa ganitong aspeto.

20. Di ako pala iyak in real life. Iiyak lang ako pag mahal kita, o kaya tuwing naghihiwa ng sibuyas. O merong kinakasal at nagpoprose.

21. Naging SK ako nung hayskul. Ibig sabihin meron akong reputasyon sa brgy namin. Pero sinusundo pa din ako ni mommy ng hanger sa kalsada.

22. Honor student at student council ako nung elementary at hayskul. Ewan ko lang kung anong nangyari nung college. Naging friendly na lang ako. Muka din daw akong bobo. Nagulat pa yung mga kaibigan ko nung nakita nila yung grades ko kasi bakit daw ang tataas. Expected talaga nila engot ako e.

23. Dami kong nagawang kodigo sa maliit na papel nung college. Never akong nahuli. Pero one time, nag eexam ako habang naka ipod. Pinagalitan ako at kinuha papel ko. Baka daw kasi naka record dun ang sagot. E nakikinig lang naman ako kay Taylor Swift.

24. Malaki ang tsansang magkaroon tayo ng harmonious relationship kung ililibre mo ko ng isaw at ice cream.

25. Kaya kong kumain ng siomai araw araw basta merong bawang at maanghang na sawsawan. Sobrang mahilig ako sa maanghang.Pati spaghetti ko minsan nilalagyan ko ng sili.

26. Sobrang nag iba ako mula nung naging OFW ako. Malayong malayo sa ugali ko sa Pinas. Naging introvert ako at di na masyadong nakikipagkapwa tao. Pero inaayos ko na ulit ngayon.

27. Sobrang namimiss ko na maging matalino. Dalawang taon kong binobo english at accent ko sa Saudi para lang magkaintindihan kami ng mga arabo. Kaya pasalamat din ako kasi may mga porener friends ako e. Atleast minsan nakakapag english ako ng matino.

28. Nagpokus muna ako sa pagttravel sa buong Pilipinas na Solo Backpacking kesa sa ibang bansa. Naniniwala talaga kasi ako na pinakamaganda pa din ang bansa natin kesa sa iba. Saka siguro alam ko din naman kasi na maraming tsansa na makapag ikot sa buong mundo lalo’t nagpaplano ako magtrabaho sa cruise pagkatapos, or bumalik na lang sa US. 

29. Mapagtanin ako ng galit. Minsan pasmile smile lang ako pero ilang beses na kitang napatay at tinago ang bangkay.

30. Greatest achievement ko siguro e yung nakabili kami ng bahay para sa pamilya ko.

31. Mas gusto ko magtrabaho sa ibang bansa kasi mas dun talaga ako nakakapag ipon ng husto. At siguro in 5 years time, magsesettle na din ako sa Pinas. Tapos gusto ko talaga magkaroon ng Cafe & bistro. Simpleng business lang pero alam kong akin.

32. Mahilig ako sa tumalon sa tulay. Mahilig ako sa kahit anung cliff diving. Hindi ako magaling lumangoy pero mayabang ako.

33. Mahina ako sa beer. Tatlong stallion lang humihiga na ko sa parking lot. Pero kaya kong makipagsabayan sayo pag hard at tequila.

34. Naniniwala akong masarap ako magluto ng adobo.

35. Kung di mo ko binati nung bday ko, malaki ang tsansang di rin kita batiin sa bday mo.

36. Hindi ako marunong mag motor at magdrive ng sasakyan. Kasi wala naman akong motor at sasakyan. Pero marunong ako mag bike ng no hand.

37. Maka aso talaga ako pagkabata. Pero nagiba nung naging Si Fredo ang first pusa ko. Tinuring ko na siyang kapatid.

38. Mahilig akong magkwento. Magblog. Magpost. Pero surang sura talaga ako sa mga nagfFB live.

39. Di nako madalas nanunuod ng TV kasi pagod na pagod na ko sa mga balita ng Pilipinas at mundo.

40. Makakalimutin ako. Di ko na naalala kung san ko nailapag yung mga gamit ko pero di ako nakakalimot sa mga ginawa mo sakin. 

41. First tattoo ko ang malaking elepante sa braso ko. Kasi elephant never forgets. Parang ako. (refer to no. 40) Tapos meron din akong tattoo ni Fredo, bulaklak na Dahlia (kasi Paula Dahlia ako) at mga planeta. Sabay sabay kong pinattoo yung tatlo paguwi ko ng Pilipinas, para isang pagalitan na lang ako ng nanay ko. Tiniis ko yun for 7 hours.

42. Mas gusto ko nagsshopping at namimili magisa. Ayoko kasi nung feeling na may buntot ng buntot at naghihintay sakin. Pwera na lang kung kasama ko si mommy, kasi siya yung madalas nagbabayad. hehehe

43. Nagpapanic pa din ako pag di ko na nakikita si mommy sa grocery. Pakiramdam ko nawawala ako.

44. Close kami ng pamilya ko. Meron kaming group chat. Araw araw updated kami sa ginagawa ng bawat isa. anu ang latest chismis at anu ang ginagawa ni Fredo.

45. Madami akong kaibigan. Kahit saang sulok meron akong kakilala, tropa, barkada at friends for life na kahit di madalas magkakausap e alam naming magkakaibigan pa din kami. Mas lalong dumami nung nag Solo Backpacking ako. Bawat probinsya sa Pilipinas meron na kong friends. hehehe

46. Bwisit ako sa mga taong utang ng utang tapos di nagbabayad. Tapos gagawin nilang kaawa awa ang sarili nila tapos makikita mo naka iPhone. Gago nga.

46. Pag tamad ako, sobrang tamad ako. wala akong pakielam kung may ahas na sa bahay. Pero pag naramdaman kong magsipag. kahit 2am na magegeneral cleaning pa din ako. maglalaba. Mag aayos ng buong bahay. Mas effective ako sa madaling araw.

47. Paprangkahin kita pag feel kong puro kashittan ka na sa buhay. Wala akong pakielam kung masaktan ka. Pero mas madalas, kunsintidor talaga ako. Madalas din sakin humihingi ng advice ang karamihan sa mga kaibigan ko, siguro baka magaling ako mag advice. Pero never kong ginagamit ang mga advice sa sarili. Ganun naman talaga diba.

48. Ilang taon ko na sinasabing magpapayat ako at magkaka abs. Hanggang ngayon, sinasabi ko pa rin.

49. Kuripot ako. Hindi ako pala gastos lalo’t di naman importante. Ultimo one riyal ililista ko pa kung san ko ginastos.  Pero mas gusto kong dinedescribe ang sarili na praktikal.

50. Hindi ako masyadong matapang. Pero marunong akong magdesisyon. Pag ganun kasi, itutuloy mo na yung gagawin mo, wala ng atrasan.Touchmove na. Game.

51. Hindi ako mabait pero naniniwala akong mabuti ako.

Nagmamahal,
Xopau Mendoza, 26, Makati City